MyBromanceStill002

(Ang larawang ito ay hindi ko pag aari, itoy nakuha ko lang sa internet)

Inspired by: Juan Miguel Severo

Sana minahal mo ako, sana sinabi mo na mahal mo rin ako

Pero bakit ganito? Ganito ba ang pagmamahalan?

Na may halung luha at kirot at nasasaktan?

Akala ko kung nagmahal ka, nagmahal ka lang

Kinikilig, natutuwa at sabay aakyat sa bundok ng mga pangarap

Pero bakit may luha? Bakit ako nasasaktan?

Mahal hindi mo sinabi sa akin na ganito pala ang magmahal

Nasasaktan at umiiyak pa

Minsan parang baliw na laging kausap ang sarili

Binabangit ko ang pangalan mo

na laging luha at pighati ang kinakain ko sa almusal at hapunan

akala ko madali, pero hindi!

Akala ko kung nagmamahal ka ay parang nasa langit ka

Na kasama mo mga anghel nito na puno ng tuwa

Pero mali! Mali ako!

Hindi ko ibinulong sa sarili ko na sa bandang huli ay masasaktan ako

Iiyak ako

At kasabay ng aking pagtawa ay ang isang malungkot na umaga

dahil alam kung wala ka na

dahil alam kung hindi ka na babalik

pero niloko ko ang sarili ko at naging isang manhid na tanga

kasi ayaw kung ihiwalay ang sakit at saya

dahil ang sabi ko sa sarili ko sila ay iisa

Katulad din mga mga pangako

Na ipinangako mo na mamahalin ako at di mo ako iiwan

pero nasaan ka? Nasaan ka sa mga malulungkot kung gabi?

Natulog akong mag isa

Umiyak akong mag isa

Tumawa akong mag isa

Eh ang sakit sakit palaang magmahal

akala ko nagmahal ka lang

yun pala ikaw ay nasasaktan at iiyak

At nanging tanga! Akoy naging tanga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s