10487254_720868437970152_5758824323499777119_n

(ang larawan na ito ay hindi ko pag aari, itoy kinuha ko lang sa internet)

-inspired by: Juan Miguel Severo

Madaling sabihin. Mahirap gawin.

Hindi lahat ng mga bagay na galing sa bibig

Ng iyong mga kaibigan ay totoo

itoy panandaliang lunas lang sa pagkabigo ng iyong puso

akala kasi nila na ang pag move on ay madali

pero hindi! Akala lang nila yun!

Sino bang madaling makalimot sa mga sugat nga kahapon?

Na kahhit ngayon dama ko parin ang kanyang matatamis na halik

Sino bang tanga ang makalimutan ang init ng kanyang yakap?

Na sa akong pag iisa itoy aking hinahanap?

Akala nninyo kasi madali

akala ninyo kasi tapus na

dahil sa bawat akalang ipinipinta ninyo sa utak kung napaka tanga

yun yung unti unting pumapatay sa puso ko

na kahit ang kahapon ay bumabalik

na naging bangutngot ko hanggang ngayon

Hindi ko makalimutan ang tamis ng kanyang mga ngiti

Na sa bawat tunog ng kahapon ay humahapdi

sabi ng kaibigan at kakilala ko

na “move on” hoy ikaw tanga!

Oo, tama! Madali lang sabihin na mmove on!

Isumbat ninyo sa puso ko na move on

pero hanggang ngayon ang lambat ng kahapon

ay siyang kumukuha ng mga luha ko ngayon

Na khit ilang ulit ko pang ipilit ang aking mga mata

ang kanyang magandang mukha parin ang aking nakikita

Masakit pero ganito pala, kaya ko pa ba?

Tawagin man nninyo akong bobo, “moron”, tanga, walang utak

at kahit ano pang masakit na salita

pero kung kayo ang nasa kalagayan ko

na umiibig nang totoo at nagpaka tanga nito

nasaktan at umiiyak sa kalagitnaan ng gabi

na halos nagmamakawa sa mga bituin sa langit

Siguro masasabi ninyo na ang hirap palang mag move on

akala ninyo kasi madali, pero hindi!

Ang hirap mag move on dahil kumot ko parin

amg mga matatamis na kahapon hanggang ngayon

kasi hindi ko maibura sa puso ko na

hanggang sa kasalukuyan mahal ko parin siya

sinisisi ko kasi sarili ko dahil bakit binitiwan kita

alam kung napakalaki kung tanga

pero mahala kita, kaya hanggad ko ang iyong kaligayahan

kahit na kapalit nnito ay luha at akoy masasaktan

Sana patawarin mo ako

dahil sa mga oras na ito pinapatawad ko na ang puso kung bigo

dahil sa sobrang tanga nito napabayaan ko ang sarili ko

kasi hanggang ngayun ikinukubli ko parin ang larawan ng ating mga kahapon

para maging mapayapa na ang puso ko

pipilitin ko na kalimotan ka at talikuran ang sakit at kirot

pinapatawad na kita! Patawarin mo rin sana ako

patawad dahil minahal kita!

Patawad dahil sa sobra kung pagmamahal sa iyo

ay nakalimutan ko na ang sarili ko

patawad dahil hanggan ngayon andito ka parin sa puso ko

patawad, isang hakbang sa pag move on.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s