10368223_1117681878243290_4191746282774080475_n

Ang saya ko. Napakasaya ko.

Isang paghihiwatig nang aking puso kasabay ng mga matatamis nating pangako

Ang iyong mga ngiti na parang ulap na walang pighati

Ang haplos ng iyong kamay na sa aking malungkot na puso dumadamay

Pang, mahal kita! Tandaan mo yan ikaw lang at wala nang iba

Ang saya saya ko nang ikaw ay makilala

Dahil sa bawat minutong inaalala koi to lalong naramdaman ko na mahalaga ako

Parang isang ilaw sa gitna nang napaka dilim na lugar

At ang iyong mga kamay ang aking gabay

Ang pintig ng iyong puso ang aking gingawang tulay

Pang, naaalala mo pa ba nung nag punta tayo sa bundok

nung hindi mo pa angkin itong puso ko

ang sarap titigan ng iyong mga ngiti habang tanaw ko ang mga ulap sa langit

habang dumadampi sa aking mga labia ng hangin

at sabay nating binabaybay ang daan kung saan na angkin mo ang puso ko

kung saan nadarama ko ang tunay na halik ng pag-ibig mo

kung saan ang bawat salita nito ay nakaukit na sa puso ko

Pang, ang sarap palang magmahal nang taong iyong minahal

Ang bawat matatamis nating mga nakaraan ay naka sulat yan sa palad ng madla

Katulad ng mga magagandang salita na aking ginawa

Naalala mo pa ba yung naligo tayo sa ulan na labis kung tuwa

Dahil yun yung pagbabalik ko na maligo sa ulan at ikaw yung kasama ko

Yung hinahawakan ko yung kamay mo sabay bilang sa mga pumapatak na tubig mula sa langit

At sa bawat pagpatak ng ulan hindi ko namalayan na ito nap ala ang oras

Na akoy iyong pinakawalan at tayoy nagpapaalam

Ang lungkot ng mga araw ko Pang nung akoy iniwan mo

Bawat oras at minuto pangalan mo ay bukang bibig ko

Akala ko lahat ng mga matatamis na pangyayari ay wala nang katapusan

Yun pala parti nalang ito ng napakadilim na kahapon at alaala

Pang, bakit mo ba ako iniwan na hindi man lang nagpa alam

Na miss ko lahat ng ating nakaraan

Doon sa bundok sabay tanaw sa mga ulap habang papalapit ang ulan

Ang iyong mga yakap na ang iyong hilik ay siyang pampatulog ko gabi gabi

Naaalala mo pa ba yung mga oras na tayoy nagkakilala

Doon sa isang lugar na umupo kang mag isa at nung nakita kita

Ang iyong mga mata ay biglang tumawa na parang tinunaw ang aking kaluluwa

Ang unang tagpo ng ating mga puso

At palagi koi tong binabalikbalikan at tinitingnan baka sakaling nandoon ka

Lagi kung sinasabi sa sarili ko na baka busy ka lang

Lagi kung niluloko sarili ko na babalik ka para sa akin

Pero hindi! Pang mali ako!

Nilalakad ko ang mga daan na sabay nating tinatahak habang hawak ko ang iyong mga kamay

Pero ngayon luha ang kasabay kung naglalakad sa madilim na daan

Luha ng pighati at kalungkutan dahil wala ka na Pang!

Pang bumalik ka na at pahiran mo ang mga luha ko

Ibalik mo ang yung mga kamay na noon nandyan sa puso ko

Yakapin mo ako tulad ng dati, tulad ng dati na ikaw at ako pa

Pang, bakit ba? Bakit mo ako iniwan?

Leave a comment