Bakit kung sa panahon na ikay masasaktan mata moy luhaan?
At lahat ng mga musika ay parang kutsilyo na nakabaon sa iyong dibdib
Na kahit anong limot mo sa nakaraan
Babalik at babalik parin ang napakahapdi na kahapon
Kahit pilitin mong ipikit ang iyong mga mata sa iyong nakikita
Pero dama mo parin ang isang bangungot nang umaga
Bangungot na hindi mo makalimotan katulad ng iyong mga ngiti
Ang iyong mga halik, ang iyong boses na parang isang awit
Ang iyong mukha na parang santo sa mga simbahan
At ang iyong awit na nagpapaligaya sa aking dibdib noun pa man
Dama ko ang lungkot at kawalan ng akoy iyong iniwan
Na kahit sa pagkain ko ay di ko kayang malunok sabaw man o kakanin
Pero kinaya kung mabuhay na wala ka sa tabi ko
Dahil alam kung sa pagkasawi ng aking puso maraming pagbabago nito
Magbabago ang takbo ng buhay ko dahil wala ka na sa piling ko
Mamimis ko ang bawat tono ng iyong mga halik
Pero alam kung masasanay din ako na kantahin ang himig na ito na mag isa
Naramdaman ko ang kalungkutan nung hindi ko na marinig ang himig mo
Nung naging pipi ako at ayaw ko nang kantahin mga awit mo
Naging mapamintas ako at nawala ako sa sarili ko
Dahil nasaktan ako, nasaktan ako nang sobra
Normal lang yun dahil tao lang ako na marunong umiyak
Salamat dahil marami akong natutunan sa ating pagmamahalan
Dahil natutu akong maging matatag nang nawala ka sa aking piling
Natutu akong tumawa nung umalis ka
Natutu akong mahalin ang sarili ko at maging isang malaya at masaya
Alam mo ikaw parin ang paborito kung kanta dito sa puso ko
Na kahit wala na tayo palagi ko itong pinapakinggan araw man at gabi
Hanggang maririnig ko ang huling himig nito
Dito sa nasaktan at natutu kung puso.